Glycerin Soap base ba gusto nyu makuha ang tamang recipe
Ito ay good for 1 Kilo batch at siguradong matibay, hindi madaling matunaw, at pwedeng ibenta!
๐งพ MGA SANGKAP:
1️⃣ OILS MIXTURE (Total: 1,000 grams)
- Palm Oil - 400g (Pangunahing nagpapatigas)
- Coconut Oil - 400g (Pampabula at panlinis)
- Olive Oil - 150g (Pampapalambot sa balat)
- Stearic Acid - 50g (SEKRETO PARA SOBRANG TIGAS!)
2️⃣ LYE SOLUTION
- Sodium Hydroxide (NaOH) - 140 grams
(Dahil bar soap ito, NaOH ang gamitin
- Distilled Water - 320 grams
3️⃣ PAMPALINAW AT PAMPAGANDA
- Glycerin - 80 grams
- Alcohol 120 ml
- Sugar Syrup - (50g asukal + 100ml tubig, pakuluan hanggang matunaw)
4️⃣ OPSYONAL
- Pabango / Fragrance oil
- Kulay
๐ STEP-BY-STEP:
1. Paghaluin ang Lye at Tubig
- Tubig muna bago ilagay ang NaOH. Haluin hanggang matunaw. Palamigin hanggang maging warm lang.
2. Tunawin ang mga Oils
- Pagsamahin ang Palm Oil, Coconut Oil, Olive Oil at Stearic Acid. Tunawin sa mahinang apoy.
3. Pagsamahin at Haluin
- Ibuhos ang Lye solution sa oils.
- Gamitin ang stick blender hanggang maging TRACE o parang batter.
4. LUTUIN (Hot Process)
- Takpan at lutuin sa LOW heat. Haluin every 15-20 mins.
- Magiging parang mashed potato muna yan, hanggang sa maging MALINAW at GLOSSY na.
- Aabutin ng 2-3 hours.
5. Ilagay ang Pampalinaw
- Kapag malinaw na, patayin ang apoy.
- Dahan-dahang ilagay ang Alcohol, Glycerin, at Sugar Syrup.
- Haluin maigi hanggang maging smooth at walang buo-buo.
6. Pabango at Kulay
- Ilagay ang pabango at kulay habang mainit pa para madaling humalo.
7. Ibuhos sa MOLD
- Ibuhos agad sa mold o lalagyan habang mainit pa.
- Palamigin at hayaang tumigas ng 24-48 hours.

Comments
Post a Comment
Huwag mahiyang mag-iwan ng mensahe o katanungan. Masaya kaming makabasa ng inyong opinyon. Salamat!"